Teya Salat

Tigre! Tigre!
Ni Mochar Lubis
Salin ni Mauro R. Avena


Reaksyon:

Natutuwa lang ako sa aking nabasa dahil 'nung unang basa ko ay akala ko tungkol talaga sa isang hayop na tigre. Sa unang bahagi pa lamang ng akda ay inilarawan na ang kagubatan. Isa-isa itong inilarawan kaya naisip ko talaga na tungkol iyon sa isang tigre. Doon ako nagkamali dahil iyon pala ay tungkol sa isang grupo na nais makahunting ng hayop at mangolekta ng mga damar, isang dagta na ginagamit sa paggawa ng batik. Sina Sutan, Talib, Sanip, Buyung, Wak Katok, Pak Haji at si Pak Balam ang mga miyembro sa isang grupo. Si Buyung ang pinakabata sa kanila. Natutuwa lang ako kay Buyung dahil talagang may gusto ito kay Zaitun. Pero 'nung bandang huli ng kuwento o anuman, ay may bahaging napapangiti ako dahil sa usapan ng apat na kabataang lalaki na ang sentro ng kanilang usapin ay ang asawa ni Pak Hitam na si Siti Rubiyah. Napakahaba ng akda na ito pero maganda ang kwento dahil ipinapakita nito ang kalagayan ang sitwasyon sa loob ng kagubatan.